kauwi ko lang from school.
well, atleast kahit papaano naging productive ako ngayong araw na to.
well, i learned something new, and it's nice.
mlamang matutuwa si rick sa bagong natutunan ko.
ayeeeeeee.
kalokohan! hahaha!
by the way, free counterstrike kami kanina sa subject namen kay sir bermie.
1 hour kaming hinayaan ng prof kong makipagbarilan and kung mas madali mo siyang nainstall naku pwede ka pang mag-extend ng 30 mins.
actually, part siya ng lesson namen sa data communication and networking,
installation ng lan games.
kamusta naman yun, cs mode kami ng mga classmates ko.
e nakakatuwa nun, marunong na kong mag network.
yey!
tapos..
tapos..
paglabas sa room, madaming tao sa baba ng building..
andun, sina dennis, tin, allan, brenda, rico at iba pang mga kasali sa wire org.
ah, yun pala yun, may mini concert sila sa school.
ALL ABOUT LOVE ang tema.
siyempre, february ee.
so sinama ako ni tin para makawatch ng show.
ang galing, nakakatuwa talaga.
ang galing ni ate mae.
she manage to organize the whole show/event pero hindi pa din siya mukhang haggard ha.
tapos ang galing din ng church nila, nakikipag colaborate sa school namen.
sana talaga.
sana talaga.
sa wednesday.....
Papa God, namove po ako kanina sa show. ang ganda po.
I know start na po ito ng pagiging mas close ko sa inyo.
Thank you for allowing me to know those people
Ang galing niyo po talaga Papa God.
I love you po.
Friday, February 29, 2008
lesson 101 - magcounterstrike
Posted by superym at 8:34 PM 7 crazy peeps
Labels: counterstrike, i love you jesus, reflections
books.. books.. books..
Posted by superym at 12:48 PM 4 crazy peeps
makapag moment nga!?
palaging may reklamo na, "oh, my god, pagod na pagod ako" or "grabe, haggardness" o "waaaaaaaah, toxic sa school!".
kailangan ba talaga na may pag-iinarte?
anu naman bang nakakapagod sa pag-upo maghapon at tumunganga sa propesor mo?
mas nakakapagod pang maglakad sa quadrangle ng iskul niyo
o magpaikot-ikot sa harapan ng crush mo
at magpanik-panaog sa hagdan ng eskwelahan niyo't makipagtakbuhan.
hay, mga estudyante nga naman.
hindi nila alam na mas masarap ang mag-aral kesa
sa magtrabaho't kumita ng pera.
mas nakakapagod magtrabaho lalo na kung tamad na tamad ka na
dahil sa araw-araw ng ginawa ng diyos, yun at yun ang ginagawa mo.
Oo nga't ganoon din sa pag-aaral.
araw-araw kang pumapasok sa iskul bukol niyo at araw-araw mong nakikita mga klasmeyts mong ubod ng garapal sa pangongopya sayo at mga propesor mong kulang na lang kainin ka sa sobrang sungit.
pero atleast sa pag-aaral, sustentado ka ng nanay mo. araw-araw may baon kang pera na walang kahirap-hirap. isang sahod lang ng nangangapal sa kalyo mong mga kamay kalalaro ng dota sa nanay mo, jaran! may 100 pesos ka na. pero kung mayaman-yaman ka 150 pesos plus pandesal with hotdog pa. kumpara sa kung nagtratrabaho ka na, problemado ka pa sa araw-araw na pamasahe mo papasok ng opisina. wala pa kasing akinse naubos mo na ang pera mo, naibigay mo na sa nanay, binili mo ng bagong t-shirt para pag biyernes, may bago ka na namang damit. ang natira, kailangan mo pang ibudget hanggang mag katapusan.
Isa pa, pumasok ka at hindi choice mo yun, walang boss na magagalit sayo at bibilangan ka kung ilan na ang absent mo sa isang cut-off at may pagbabanta pa na sa susunod na absent mo may makikita ka na sa lamesa mo na memo galing HR. walang ganun. yun nga lang sa pag-aaral, kung talagang ubod ka na ng tamad pumasok, kausapin mo na ng madalian ang teacher mo at sabihin mong idrop ka na lang niya kasi tinatamad ka ng pumasok sa subject niya. DROP lang. anu ba naman yung madrop, mauulit mo naman yun sa susunod na sem, at kung ayaw mo pa next year, pwede pa naman e.
Kapag nagtrabaho ka, darating at darating ang oras na mabobore ka.
JADED, BURNED-OUT, BORED, EXHAUSTED, DULLED, OVER-FATIGUE, FED-UP at kung anu-anu pang, pamboring na salita ang magagamit mo.
E paano yun, wala ka na namang choice kundi magtrabaho lang e.
tapos ka na ng pag-aaral.
ganun lang naman ang cycle of life.
mabubuhay ka, magiging bata, mag-aaral sa elemantarya, hayskul, kolehiyo, magtatapos, magtratrabaho, mag-aasawa, magkakaanak, magkakaapo at mamatay.
Kaya savor things before it lasts.
Mag-aral kang mabuti, mabuting-mabuti.
Pahalagahan mo mga classmates mo.
Dahil darating ang panahon na ultimo ang classmate mo na sobrang kinaiinisan mo o yung classmate mong ubod ng baho at may putok, mamimiss mo.
Maraming nagsasabi na kesyo iba pa din ang high-school.
Oo totoo pero, iba din ang kolehiyo.
Masaya, totoo, at iba pa...
Basta kung anu man yung message na napulot niyo dito, yun na yun.
Enjoy lang sa lahat ng bagay.
Don't rush things.
Posted by superym at 12:38 PM 5 crazy peeps
Thursday, February 28, 2008
can you help me? -- usher?
sana may maibulong ako mamaya.
madami kasi akong gustong sabihin.
kaya lang panay ang bugbog sakin.
walang tumutulong tumayo.
lahat may kanya-kanyang bumubugbog.
susubukan ko.
jinggol muna ako.
Posted by superym at 10:20 AM 0 crazy peeps
myself won this time
bugbog na bugbog na niya ko.
tamaaaaaa na.
lalaban na ako!!
waaaaaaaaa..
blag.. blag.. ^@%&@#)$(*#^
ayun.
natalo din kita.
PAPASOK NA AKO!
Posted by superym at 10:12 AM 0 crazy peeps
Tuesday, February 26, 2008
water deprivation
"Anu to?"
Wala akong magawa kundi mapaSIYET pagsakay ko ng dyip papuntang eskwela.
Patingin-tingin ako sa aking braso hanggang balikat.
"Nakita ko na ito e"
Bulong ko sa aking sarili.
Tama, eto nga iyon.
Siyet san ko nakuha to?
Naligo lang ako ganito na.
Naulanan lang ako noong huwebes, nagkaroon na ako ng ganito?
Pagbaba ko sa tapat ng aking eskwelahan,
wala pa din akong tigil sa pagsipat sa buo kong braso,
muntikan na nga akong mabangga ng isang kakarag-karag na dyip.
"NAMO! PAKYU KA!"
napamura tuloy ako ng wala sa oras.
Hay.
Pag akyat ko ng building, hindi ko alam pero bigla akong nanghina.
Literal.
Hindi ko kayang tumayo ng matagal.
Masakit ang mga tuhod ko.
Wala pa din akong tigil sa pagtingin sa aking mga braso.
Hanggang sa....
CLASSMATE 1: Hala ate, anu nangyari sayo?
CLASSMATE 2: Anu yang nasa mukha mo? Parang namaga.
AKO: Bakit? Anu nangyari? Eto pa nga oh, sa braso ko. Anu to?
Biglang singit si Gardo..
GARDO: Ayan karma yan, inaasar mo kasi si *toooooot*. Binulutong ka na din.
AKO: Pakyu. Hahaha. Pahiram nga ng salamin.
Waaaaaaah, anu to?
Mas lalo akong nanghina. Ampanget ko. Para na ngang pinutakte ang mukha ko.
Bulutong ba ito?
Hindi.
Alam kong hindi ito yun.
Pinilit ko pa din matapos ang aking eksam noong araw na iyon.
Sayang naman kung hindi ko pa tatapusin.
No sweat naman yun sakin.
Paguwi ko ng bahay....
MOM: Tapos na klase mo?
AKO: Opo.
MOM: (Pasigaw) Aaaaay, anu nangyare sa mukha mo!?
AKO: Bakit? Anu yun?
MOM: Ayan o.
AKO: Wala yan.
MOM: Hoy, Rym2, naka-ano ka ba ha?
Watdapak!
Nakaano daw ako?
Nakaano ba ako?
Nakasinghot ako marahil ng napakaraming alikabok at polusyon kaya nakakuha ng maraming virus at kumalat sa buo kong katawan.
haller mom!?
MOM: Oh, nilalagnat ka. Magpahinga ka na!
Naku hindi maaari. May obernayt pa kami sa softawre engineering. I can't afford to neglect this subject kahit sa true-to-life uber imbyerna na ko sa mga nangyayari. Imagine, natuloy ang obernayt pero kahit konting usad, walang nangyari, as usual, panay borlog ang nangyari. Ikaw na ang may-ari ng bahay, magreformat habang gumagawa ng project. Kung mataba utak mo sana ginawa mo na yan prior mag ovenight? Pasalamat ka at kahit papaano nakatulog ako.
Kinabukasan, pinilit ko pa din pumasok sa "same subject", kailangan, pasahan ng system e.
Pero hindi na kinaya ng powers ko. Nanghihina na ako maigi at parang kinakausap ako ng aircon at sinasabing magtagal pa ako ng kaunti doon sa loob ng room, papatayin na niya ako sa lamig.
Hindi ko na tianpos ang aming klase, umuwi na ko ng wala sa oras.
Wala akong pakialam kung mambara na naman ang aking ubod ng bait na propesor kaya HINDI na ako nagpaalam sa kanya. Wala din akong pakialam kung sabihan na naman niya akong nagcutting classes ako.
Ang sama-sama na talaga ng pakiramdam ko e.
Natuklasan ko na, eto na nga..
Ang mga red spots ko sa aking buong katawan.
Yun na nga iyon.
May tigdas nga ako.
Kelangan kong i-isolate ang sarili ko sa iba para walang mahawa.
Mas malaking abala kapag ganoon ang mangyayari.
Simula sabado ng gabi, kinulong na ako ng nanay ko sa kwarto ko.
Nakahiga lang ako.
Ayos lang naman sakin yun e.
Pasarap buhay nga e.
Tatawagin ko lang sila at jaran... andiyan na ang kailangan ko.
Maya-maya andiyan na ang pagkain ko.
Ang ayoko lang.
3araw na akong walang ligo.
Ayaw pa kasi nilang umalis e.
Parang gustong-gusto nilang dumikit sa balat ko.
Masakit pa ang lalamunan ko.
Umalis na kayo please.
Kating-kati na ako.
Miss ko na ang tubig...
Posted by superym at 2:18 AM 7 crazy peeps
Sunday, February 24, 2008
Mabuhay ang mga RN!
1678 ANGELES, EIZEL MAE LURIÑA
mabuhay ka kapatid!
pinagmamalaki ka namin!
Posted by superym at 2:22 PM 0 crazy peeps

