Sunday, May 4, 2008

parting time

goodbye BLOGGER!

hello MULTIPLY!

oo. for real na to.
babayooooo na talaga dito
lipat bahay na ko.
kitakits dun ha.
pero once in a while blog hop ako sa inyo.
dami ko mamimiss.
dalaw din kayo minsan ha.
paalam.

Tuesday, April 1, 2008

a bit distorted


my 2nd home. tambayan ko lately. tambay kayo minsan.
HIATUS ULIT AKO DITO.

break a leg to my friend CHELE
she's nominated at the 2008 candy teen blog awards.
please do vote for her.

Saturday, March 29, 2008

goodluck..

sa totoo lang wala akong masabi.
kasi hindi siya worth it pag-usapan.
natatawa lang ako sa eksenang nangyari.
sobrang hanggang ngayon, natatawa pa din ako.
kahihiyan --- oo, mismo, nakakahiya pero..
ikaw ang may gawa.

wala kang pinagkaiba kay PABLO!
i am so mean, i know.
basta i hate you.
shocks..
shocks..

hindi man lang tumindig balahibo ko sayo.
hindi ko sasayangin ang ganda ko ngayong summer sayo!
hahaha..


tingnan na lang natin kung sino ang "PATAPON ANG BUHAY".
nakakasuka ka.

Thursday, March 20, 2008

happy 2nd bday my dear baby VOTCHIK!!

it was suppose to be a children party pero...
ang mOmmy, pretty ninangs and tita's ang super nag-enjoy.
hahahaha.
LOVE YOU ANAK..

anyways, super saya that night. It was really a night to remember.
ngayon ko na lang kasi ulit nakasama mga friends ko from dasma.
i mean, yea, we do meet sometimes pero yung ganitong bonding ngayon na lang ulit.
tska..
tska..
yung mga naiwan na lang yung may alam nun.
hahaha.

lalaine and bam took vids that night kaya lang it was only taken through phone kaya medyo nag pixelate siya. pero i don't care lalagay ko pa din siya dito sa blog ko.
nakakatuwa kasi siya, it was my pretty friend kasi -- bev who's actually on the video.
first time ko siyang marinig na kumanta. well, i do know na she has talent but dang, ang galing niya. super *clap-clap* to the maxx talaga ako for her.. i love her voice kasi e. pang acoustic talaga.


there..
don't mind na lang the vid, listen nalang to her voice.
10k per set daw.
hahaha.
eto pa.
ako naman..


wapakels.. party people ako at wala ako sa tono.
basta ang saya ng gabing to.. SUPER!!!!

Wednesday, March 19, 2008

i love the night life

game.

last, ewan ko ba the exact date. (
ayoko magisip) nagpunta ako ni ric.
siyempre super excited ako kasi makikita ko na naman ang love of my life ko.
ilang days din toxic sa school dahil sa mga pagmumukha ng mga prof ko, isama mo na din ang mga classmates kong, urghhh. so everytime kapag pumupunta sa kanila, super nakakatanggal ng stress.
i don't know if it's because of the happy ambience sa house nila or because of his nephew clyde or dahil lang sa miss ko na si ric.
ewan unexplainable.
basta alam ko siya ang stress reliever ko. . . . : )

so sinundo nila ako ni clyde sa festi ng mga around.. ewan ko din kung what time.
ayeeeeeeeeee. para akong batang kinikilig nung nakita ko siya.
super.
saya ko pa kasi si clyde unang bumati sakin.

"tita rym... (sabay hug)"


ang sweet nung bata - kaag hindi makulit. hehe.
well, sila ang mga bagay na hindi ko itratrade sa kahit na anu o sino.

ok back to my story..
so ayun.
pag uwi sa house nila.
uhm..
gimik mode naman.
wohoooo.
we went to pacita together with ate mav, jj, ker and gani boy.
pagdating namin sa place andun na si mia and sir eugene - former boss ni ric.
ang saya lang. hehehe.
kasi the last gimik ko is nung january pa.
saya lang kasi minsan lang to e.
plus kasama ko pa si ric.

rick, me, gani and ate mav

sir eugene, mia, ate mav, mom ni dei-dei and kerwin

sayang hindi ako nalasing..
gusto ko pa naman magpakalasing kapag kasama ko si ric.
hahahaha.
walang tama ang 2 san mig.
hahaha.

enjoy lang......

Monday, March 17, 2008

YES, i am back

6 na araw at kalahati akong nawala sa sirkulasyon.
namiss ko to.
namiss ko.

masaya ako sa mga nakaalala.
kahit papaano may mga naituturing na rin akong mga kaibigan dito sa loob ng blogosperyo..
isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nag-eenjoy sa pagstay ko dito.
mas masaya keasa sa tunay na mundo.
JOKE!
:churva. ishna. apple. janelleregina. berlai. kuku. miaRN. cindy. anino. chele.

SO LITERALLY I AM BACK.

hehe.
tapos na ang lungkot-lungkot-an moments ko.
i am happy now, not super pero happy enough para makatawa na ako.
sa loob ng 6 na araw na pagkawala ko, parang same old shit ang nangyari.
pero eto ang pinakamalupit na high-lights sa halos isang linggong pagkawala ko.

sa ADBMS class ko. together my ferocious professor (F.P.):
we're actually having a quiz? or long quiz that day, and at the same time kelangan na namin ipa-evaluate yung website sa coordinator ng BSBA.
after namen natapos ni mac yung quiz...

MAC: Sir tapos na po kami. Pwede po bang magpaalam papacheck-an lang po namin tong site namen?
F.P.: Bakit? Saan yan?
RYM: Sa webpage po. e sir, tapos na po kami. Please po sir important lang.
F.P.: E bakit sa subject ko pa? Duon kayo. Umupo kayo. (sabay angat ng leeg...)
Shit. Todoink. Tablado na naman. Badtrip.
(pagbalik sa seat)

MAC: Ate Rym, pabayaan mo na. Hahahaha. Ayusin mo yang mukha mo.
KUYA WALTER: hahahahaha.
RYM: E kasi tapos na nga ayaw pang magpalabas e. Wala naman nang gagawin e.
(magparinig ba daw?)

...
after ng ilang hours i went home. hinayaan ko na yung mga kagroup ko na humanap ng mageevaluate sa website na nagawa namen. E ewan ko ba sa mga yun kung bakit si F.P. pa ang napili nilang gawing evaluators. E di ayun napahiya lang sila.

F.P.: Anu yan? Website? Ayokong check-an yan.
CLASSMATES: Sige na po sir. Eevaluate niyo lang po, please.
F.P.: Yan ba yung kay Panergo? Ayokong check-an yan. Kanina minadali nila quiz nila tapos nagparinig pa.
MAC: Sir hindi po ako yun, si Ate Rym lang po.
(Alam mo MAC, honestly minsan wala ka talagang kwenta. Manisi ba daw. Oo i know binara ko si Sir pero hindi mo kelangan magcomment ng walang kwenta. Or magdrop ng name. Ewan ko ba. Isa na lang... bibinggo ka na din sakin. Mapapasama ka na sa mga HATE-LIST ko sa school!)

..ang ending tablado pa din sila kay Sir. Pero ok din, kasi yung mga nakuha nameng panelists e, super ok. Thank you po, ang tataas ng grades namen.


as of now yan muna...
hehehehe.
andito ako sa ibang mundo.
hindi pa tapos ang araw ko dito.
pero basta.

I AM BACK...

Tuesday, March 11, 2008

am i?


mismo.
mismo.
kailangan.
babalik ako.
kelan?
saglit lang naman to e.
pahinga mode muna.

andito lang ako sa loob,
magmamasid.
makikitambay.
hintayin niyo ko ha.