Sa ngayon sobrang sakit ng tagiliran ko, di ko alam kung bakit. Sobra!
Di ko maalala kung ganito din yung sakit na naramdaman ko noong may dyspepsia ako.
Di ako makahinga. Pakiramdam ko parang goma yung lamang loob ko at yung elasticity niya ay sobrang nabanat.
Ang sakit. Ang sakit-sakit.
ouch.
Sabi ng mga tao kina Ric ay sa pancreas daw ito. Shit.
Anu ba yung purpose ng pancreas? Baka daw ulcer daw ito or something.
Etong 2007 madami-dami na akong naramdamang kakaiba sa katawan ko.
Nandiyan ang dyspepsia at ang hinding-hindi ko makakalimutang experience sa kanya.
Grabe ang pakiramdam. Halos ilang araw din akong hindi nakapasok sa trabaho noon.
Pakiramdam ko kapag umunat ako paliyad ay mamatay na ako.
Dumating ang kong tagapagligtas ko na si Rick.
Wala pa ring pakialam ang dyspepsia ko at umatake na naman ito.
Mas lalo itong lumala at hindi na ko pinatulog nito ng buong gabing yon. Hindi na din ako makatayo ng ayos dahil sa naninigas na ang buo kong tiyan. Iyak na ko ng iyak. Alam mo iyong pakiramdam na sobrang antok mo pero hindi ka naman makatulog dahil sa nararamdaman mong sakit. Grabe ang pakiramdam. Dinaig pa ang binugbog.
Nitong November lang, sa sobrang kapraningan ko sa mga sakit. Nagpacheck-up ako sa doctor dahil sa mass na nakapapa ko sa breast ko. Sobrang takot ko noon, pakiramdam ko katapusan na ng career ko. Halos di ako makatulog at makakain. Pakiramdam ko kanser na ito. Pinalala pa
ang hinala ko noon magkaroon ako ng lagnat noong November 1 pagkatapos naming manggaling sa mall ng ate ni Ric. Halos magpakabait ako kay Ric noon. Nilalabanan ko ang takot. Ayokong magpa-checkup kung hindi ko kasama ang nanay ko. Noong inaya niya ko, hindi na ako nagdalawang isip sumama. Natakot ako. Ang sabi ni Doc, hormonal ang nararamdaman ko. Normal lang sa babae dahil nagreready for lactation at iba pa. [naisip ko, pwede na kong maging ina, hehehe.] Pero under observation pa siya. Babalik pa ko ngayong January. Hindi na ako gaanong natatakot pero nandoon pa din ang kaba.
Nitong taong 2007, napagdesisyunan ko na itigil ang halos 5 taong bisyo ko at ito ang paninigarilyo. Naperfect ko ito [except na lang sa ilang pagkakataon at nitong 28 na napayosi ako ng mga ilang sticks din]. Pati ang pag-inom ng alak ay hindi ako nahirapang iwasan. Naging occasional drinker ako. Madalas hindi na ako makaubos ng isang bote ng sanmig Lite. Noong nagsimula akong mag-lie-low sa mga paborito kong hobby, doon mas naging mahina ang katawan ko. Doon ko mas naramdaman itong mga kakaibang sakit ko. Hindi ko alam kung tama ba o hindi ang naging desisyon ko sa pagquit sa mga ito. Pero either way, masaya na din ako. Nalagpasan ko ang mga ito.
Alam kong hindi pa ko handang magba-bye sa happy world.
Hindi pa….
Monday, December 31, 2007
is it just an insanity? or for real?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 crazy peeps:
Post a Comment