Friday, January 25, 2008

say you'll stay

Hindi ko kinaya.
Sa loob ng isang taon at siyam na buwan nateng pagsasama, ngayon ko lang nakitang bumigay ka.
Alam kong madami-dami na naman akong nasabing masasakit na salita
at alam kong nasaktan kita ng todo.
Tinuluyan mo ang pagalis, at habang palayo ka, hindi ka man lang lumingon.
At hindi mo namamalayan na sa bawat hakbang mo palayo, walang tigil ang luha ko sa pag-agos.
Nakakamatay ang ganitong pakiramdam.
Pasensya ka na, nilamon na naman ako ng matinding kaaway mo - ang PRIDE ko.
Naisip ko na kaya ko naman na wala ka sa buhay ko.
Pero lumalaban ang puso ko, kaya ko nga ba?
..Pinalipas ko ang ilang oras.
Pero habang tumatakbo ito, tumatakbo din ang madaming bagay sa negatibo kong utak.
"Paalam sa mga pangako, Paalam sa mga nabuong pangarap, Paalam sa mga kasiyahan at lambingan."
Paalam sa lahat at sa mga napakaraming bagay na napagsamahan natin.
Pero...

Hindi ko kinaya.
Tinawagan kita.
Hindi ko kasi kaya ng wala ka.
Bumalik ka.
Inalagaan mo ko.
Pinagaling.
Ayokong mawala sa tabi mo.
Ayokong mabuhay ng wala ka.
Mahal na mahal kita.

"Beb, i love you so much. Sorry kung sobrang wala akong pakialam sa mga nararamdaman mo kung minsan. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Sana hindi ka magsawa sakin.
Ikaw ang buhay ko."

1 crazy peeps:

Anonymous said...

i envy you, for having that courage. i wish i am like you.. you just did the right thing.. stay happy..