Friday, February 29, 2008

makapag moment nga!?

bakit ang ibang estudyante kapag uuwi ng bahay galing school,
palaging may reklamo na, "oh, my god, pagod na pagod ako" or "grabe, haggardness" o "waaaaaaaah, toxic sa school!".
kailangan ba talaga na may pag-iinarte?
anu naman bang nakakapagod sa pag-upo maghapon at tumunganga sa propesor mo?
mas nakakapagod pang maglakad sa quadrangle ng iskul niyo
o magpaikot-ikot sa harapan ng crush mo
at magpanik-panaog sa hagdan ng eskwelahan niyo't makipagtakbuhan.
hay, mga estudyante nga naman.
hindi nila alam na mas masarap ang mag-aral kesa
sa magtrabaho't kumita ng pera.
mas nakakapagod magtrabaho lalo na kung tamad na tamad ka na
dahil sa araw-araw ng ginawa ng diyos, yun at yun ang ginagawa mo.

Oo nga't ganoon din sa pag-aaral.
araw-araw kang pumapasok sa iskul bukol niyo at araw-araw mong nakikita mga klasmeyts mong ubod ng garapal sa pangongopya sayo at mga propesor mong kulang na lang kainin ka sa sobrang sungit.
pero atleast sa pag-aaral, sustentado ka ng nanay mo. araw-araw may baon kang pera na walang kahirap-hirap. isang sahod lang ng nangangapal sa kalyo mong mga kamay kalalaro ng dota sa nanay mo, jaran! may 100 pesos ka na. pero kung mayaman-yaman ka 150 pesos plus pandesal with hotdog pa. kumpara sa kung nagtratrabaho ka na, problemado ka pa sa araw-araw na pamasahe mo papasok ng opisina. wala pa kasing akinse naubos mo na ang pera mo, naibigay mo na sa nanay, binili mo ng bagong t-shirt para pag biyernes, may bago ka na namang damit. ang natira, kailangan mo pang ibudget hanggang mag katapusan.

Isa pa, pumasok ka at hindi choice mo yun, walang boss na magagalit sayo at bibilangan ka kung ilan na ang absent mo sa isang cut-off at may pagbabanta pa na sa susunod na absent mo may makikita ka na sa lamesa mo na memo galing HR. walang ganun. yun nga lang sa pag-aaral, kung talagang ubod ka na ng tamad pumasok, kausapin mo na ng madalian ang teacher mo at sabihin mong idrop ka na lang niya kasi tinatamad ka ng pumasok sa subject niya. DROP lang. anu ba naman yung madrop, mauulit mo naman yun sa susunod na sem, at kung ayaw mo pa next year, pwede pa naman e.

Kapag nagtrabaho ka, darating at darating ang oras na mabobore ka.
JADED, BURNED-OUT, BORED, EXHAUSTED, DULLED, OVER-FATIGUE, FED-UP at kung anu-anu pang, pamboring na salita ang magagamit mo.
E paano yun, wala ka na namang choice kundi magtrabaho lang e.
tapos ka na ng pag-aaral.
ganun lang naman ang cycle of life.
mabubuhay ka, magiging bata, mag-aaral sa elemantarya, hayskul, kolehiyo, magtatapos, magtratrabaho, mag-aasawa, magkakaanak, magkakaapo at mamatay.
Kaya savor things before it lasts.

Mag-aral kang mabuti, mabuting-mabuti.
Pahalagahan mo mga classmates mo.
Dahil darating ang panahon na ultimo ang classmate mo na sobrang kinaiinisan mo o yung classmate mong ubod ng baho at may putok, mamimiss mo.
Maraming nagsasabi na kesyo iba pa din ang high-school.
Oo totoo pero, iba din ang kolehiyo.
Masaya, totoo, at iba pa...

Basta kung anu man yung message na napulot niyo dito, yun na yun.
Enjoy lang sa lahat ng bagay.
Don't rush things.

5 crazy peeps:

Ishna Probinsyana said...

Ganyan talaga. Haha. Ako nga, feeling ko, mas mag eenjoy ako kung magttravbaho ako kesa ngayon na nag aaral pa ako. Pero hindi naman ako madalas mag complain na toxic, haggard, ect. Nakakatamad lang talaga. minsan o kadalasan, walang motivation to go to school or to study. heheehe

churvah said...

aq i want to go back to school..i missed those times na notebook at ballpen ang hawak q at library ang tambayan q..

sana this year, mkabalik na aq sa college to finish my course..

im currently working and i felt so bored..sigh*

superym said...

@ posh - naku girl. akala ko ganyan din ako dati pero. naku.. mas masarap pa din mag-aral. hehehe.

@ churva - same tayo ng nafe-feel nung nagwowork ako. kaya nun nagkaron ako ng chance na mag-aral ulit. naku. tlgang i grabbed the oportunity. : )

Anino said...

Hindi ko pa nagawang mag-drop ng isang kurso.
Sabi nila. "HIGH SCHOOL LIFE IS THE BEST"
Ang sabi ko, "WALANG KWENTA ANG HIGH SCHOOL"

superym said...

@ anino - bakit naman? siguro binasted ka ng niligawan mo?