Tuesday, February 26, 2008

water deprivation

"Anu to?"
Wala akong magawa kundi mapaSIYET pagsakay ko ng dyip papuntang eskwela.
Patingin-tingin ako sa aking braso hanggang balikat.
"Nakita ko na ito e"
Bulong ko sa aking sarili.
Tama, eto nga iyon.
Siyet san ko nakuha to?
Naligo lang ako ganito na.
Naulanan lang ako noong huwebes, nagkaroon na ako ng ganito?

Pagbaba ko sa tapat ng aking eskwelahan,
wala pa din akong tigil sa pagsipat sa buo kong braso,
muntikan na nga akong mabangga ng isang kakarag-karag na dyip.
"NAMO! PAKYU KA!"
napamura tuloy ako ng wala sa oras.
Hay.
Pag akyat ko ng building, hindi ko alam pero bigla akong nanghina.
Literal.
Hindi ko kayang tumayo ng matagal.
Masakit ang mga tuhod ko.

Wala pa din akong tigil sa pagtingin sa aking mga braso.
Hanggang sa....

CLASSMATE 1: Hala ate, anu nangyari sayo?
CLASSMATE 2: Anu yang nasa mukha mo? Parang namaga.
AKO: Bakit? Anu nangyari? Eto pa nga oh, sa braso ko. Anu to?

Biglang singit si Gardo..

GARDO: Ayan karma yan, inaasar mo kasi si *toooooot*. Binulutong ka na din.
AKO: Pakyu. Hahaha. Pahiram nga ng salamin.

Waaaaaaah, anu to?
Mas lalo akong nanghina. Ampanget ko. Para na ngang pinutakte ang mukha ko.
Bulutong ba ito?
Hindi.
Alam kong hindi ito yun.
Pinilit ko pa din matapos ang aking eksam noong araw na iyon.
Sayang naman kung hindi ko pa tatapusin.
No sweat naman yun sakin.

Paguwi ko ng bahay....

MOM: Tapos na klase mo?
AKO: Opo.
MOM: (Pasigaw) Aaaaay, anu nangyare sa mukha mo!?
AKO: Bakit? Anu yun?
MOM: Ayan o.
AKO: Wala yan.
MOM: Hoy, Rym2, naka-ano ka ba ha?

Watdapak!
Nakaano daw ako?
Nakaano ba ako?
Nakasinghot ako marahil ng napakaraming alikabok at polusyon kaya nakakuha ng maraming virus at kumalat sa buo kong katawan.
haller mom!?

MOM: Oh, nilalagnat ka. Magpahinga ka na!

Naku hindi maaari. May obernayt pa kami sa softawre engineering. I can't afford to neglect this subject kahit sa true-to-life uber imbyerna na ko sa mga nangyayari. Imagine, natuloy ang obernayt pero kahit konting usad, walang nangyari, as usual, panay borlog ang nangyari. Ikaw na ang may-ari ng bahay, magreformat habang gumagawa ng project. Kung mataba utak mo sana ginawa mo na yan prior mag ovenight? Pasalamat ka at kahit papaano nakatulog ako.

Kinabukasan, pinilit ko pa din pumasok sa "same subject", kailangan, pasahan ng system e.
Pero hindi na kinaya ng powers ko. Nanghihina na ako maigi at parang kinakausap ako ng aircon at sinasabing magtagal pa ako ng kaunti doon sa loob ng room, papatayin na niya ako sa lamig.
Hindi ko na tianpos ang aming klase, umuwi na ko ng wala sa oras.
Wala akong pakialam kung mambara na naman ang aking ubod ng bait na propesor kaya HINDI na ako nagpaalam sa kanya. Wala din akong pakialam kung sabihan na naman niya akong nagcutting classes ako.
Ang sama-sama na talaga ng pakiramdam ko e.

Natuklasan ko na, eto na nga..
Ang mga red spots ko sa aking buong katawan.
Yun na nga iyon.
May tigdas nga ako.

Kelangan kong i-isolate ang sarili ko sa iba para walang mahawa.
Mas malaking abala kapag ganoon ang mangyayari.
Simula sabado ng gabi, kinulong na ako ng nanay ko sa kwarto ko.
Nakahiga lang ako.
Ayos lang naman sakin yun e.
Pasarap buhay nga e.
Tatawagin ko lang sila at jaran... andiyan na ang kailangan ko.
Maya-maya andiyan na ang pagkain ko.

Ang ayoko lang.
3araw na akong walang ligo.
Ayaw pa kasi nilang umalis e.
Parang gustong-gusto nilang dumikit sa balat ko.
Masakit pa ang lalamunan ko.


Umalis na kayo please.
Kating-kati na ako.
Miss ko na ang tubig...

7 crazy peeps:

Anonymous said...

syet rym!magpagaling ka,tsk! mhirap ata yan klgyan mo ngyon ah,dble, bumwi knlng ng ligo pg mgling kn:)

Anonymous said...

ay anong nangyari sau lol. Nagkatigdas ka nang di oras lol magpagaling ka sis.

by the way blog hoping lang take care always po mwaaaaaaaaaah.

superym said...

@ chele - naku sister, kung alam mo lang.
ligo galore ang mangyayari nito.

@ rose - sumpa ito. sumpa. hahaha.
thanks anyways.

Anonymous said...

I like the way you write. :) Mala-Bob Ong ang style

Thanks for dropping by sa blog ko.

Dakilang Tambay said...

get well soon rym. :)

superym said...

@ kuku - naku. hindi po. ikaw pa lang nagsabi niyan. hhehe.

@ dakilang tambay - nurse... gamutin mo ko.

churvah said...

sana po mgaling k na.^__*