Monday, January 14, 2008

BigTime 2005

Cinemalaya

In association with Blue Water and Arkeomedia presents

An Arkeofilms Production

A Mario and Monster Show

Napanuod ko ang "big time" kanina sa cinema 1.
Noong isang araw ko siya napanuod sa trailer at hinihintay ko siya.

Pero dahil sa aking fish-like memory, ayun, nakalimutan ko siya. Mabuti na lang at nanuod ako ng tv today.

Actually year 2005 pa ito napalabas at isa ito sa mga cinemalaya entries na naipalabas sa mga sinehan noong 2006. Nanalo ito ng Best Screen Play at Best Sound sa Cinemalaya FIlm Festival. But apparently it was just my 1st time to watched it.

Ok naman yung movie. Naalala ko si Jaime Wilson, yung kapatid ni Monique Wilson na dating sumali sa reality tv search na nakalimtuan ko kung saang estasyon at kung anong reality tv search. Siya si Wilson sa movie. Naaliw ako sa kanya sa movie. Nairita ako sa kayabangan niya at natawa sa mga facial expressions. Effective siya as Wilson.

Umiikot ang pelikula sa kagustuhang magkaroon ng drugs business itong si Wilson at naghihingi siya ng 10million sa kanyang super rich dad - which happens to be Don Manolo played by Michael De Mesa na Boss ng isang BIGTIME sindikato. Nakaisip si Wilson na magpanggap na nakidnap siya, at dito pumasok sa eksena si Danny at Jonas - dalawang magkaibigan since grade 4 at mga small time snatcher at si Melody na isang wanna-be actress.

Nakakatuwa ang movie especially the part na nasa isa silang safe house at naglalaro lang sila ng mga sugal buong maghapon. Tanungan portion, galing ng mga punch-line. Nakakatuwa,nakakaaliw.
Rica Peralejo o Kristine Hermosa?
Lolit Solis o Cristy Fermin?
GMA o Cory?
Gusto mo ba ng sinangag?
....anu na naman drama yan?
...sinangag na lang,may kanin pa naman kagabi e.
nakaaliw ang istorya. Catchy siya. Very effective ang mga gumanap.
Isa sa mga pwedeng ipagmalaki sa Independent movie scene.

Napaisip tuloy ako, kailan kaya ako makakagawa ng isang tulad ng bigtime?
Kailan..
Kailan..
Kailan kaya..
Masama bang mangarap.. ng BIG TIME..


0 crazy peeps: