woohoo!
ang saya. 1st time kong nakapagpa run ng program sa webpage.
Sa loob ng 6 na taon sa kolehiyo (isama na ang dalawang taon na pagtigil ko), ngayon ko lang naintindihan yang mga program-program na yan.
Pakiramdam ko, noong panahon na yon, hindi pa kayang maabsorb ng utak ko ang mga ganoong klaseng kaalaman.
Siguro sa dami ko ng nakain na bigas at sangkatutak na ulam, natuto na siyang makasipsip ng kaunting knowledge.
Dati-dati ang simpleng getch sa c++ ay hindi ko alam ang ibig sabihin at para saan. hahaha. nakakatuwa.
Ngayon marunong na ko magexecute ng mga commands kahit papaano.
Medyo naiintindihan ko na ang logic sa if-else statement, else-if, select case at iba pa.
Ok balik sa webpage.
Binasa ko maigi yung problem na binigay ni ma'am bubbles [note: mas matanda pa ko sa prof ko ng isang taon.].
Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Kinabahan ako at baka hindi ko na naman magawa ito.
Ang tanga ko na nun.
Inisa-isa ko ang mga errors ko.
rym: ma'am pacheck po.
ma'am: okey,pwede ka ng lumabas.
(samantala sa tabi ko...)
gerard: tapos ka na?
rym: (tango.) oo
gerard: tangna mo.
rym: hahahaha!
Plak!!! yey... napagana ko siya ng normal.
Iba talaga ang bagsik ng bagong gupit.
Natanggal ang mga malas na kumapit sa buhok ko.
Madami-dami yun.
Natira yung mga pampaswerte.
Thank you papa God.
-iLoveyou po.♥
Thank you baby.
-ikaw ang inspiration ko.
Friday, January 18, 2008
exam na naman
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 crazy peeps:
Post a Comment