Sunday, January 6, 2008

welcome 2008

woah, 1st blog for 2008.
Nakauwi din ako sa wakas sa house. Parang naexcite nga si mommy na makita ako e. Habang nasa FX ako, naisip ko, 1st goal ko for 2008, tapusin ang libro na SYBIL. 2006 ko pa ata siya noong unang nahiram kay ric, pero till now, hindi pa din ako tapos basahin siya. Natakot kasi noon... Pero ngayon, i promise to myself na tatapusin ko na siya and hopefully more books to come....

By the way, eto nga pala nangyari sakin noong nakaraang araw, noong mga araw na absent ako sa real world.

January 1, 2008
I spent the new year with my family, mom, yong and me.
Kami lang tatlo ang nagsaya dito sa bahay noong bagong taon. So ang nangyari is masayang malungkot. Supposed to be susunduin ako ni ric pero sa kalungkot-lungkot na pangyayari sa oto nilang si michelle, napagkasunduan naming morning na lang niya ako sunduin.
morning:
jaran!.. dumating na ang hinihintay kong love of my life with his poging-poging nephew na si katalus clyde. [katalus - jargon word ni clyde. whatever that katalus means, si clyde na lang nakakaalam nun.] sinundo nila ako dito sa house at dinala namen and super skateboard na pinahiram sakin ni james.

January 3, 2008
Nagpunta kameng Paseo de Carmona para iselebreyt ang birthday ng ever cool boss ni ric na si Sir Eugene. We're with Ate Mav, Jj, Kerwin, Sid, Sir Elmer and May. Sobrang tuwang-tuwa ako kay Sid noong gabing yun, lalo na nung latter part na ng inuman. Walang tigil ang kakatawa ko, lalo na sa porkchop at chopsuey at tita swarding part. Grabe, ngayon na lang ulit ako nakatawa ng malupit.
Napaisip tuloy ako kung may mga tao ba talagang sadyang KJ o talagang walang pakisama. Siguro dahil sa walang pumapansin sa kanya kung kaya nagyayaya na siya agad umuwi. Pero, hello, birthday mo ba? Sino ka ba? Importante ka ba? At isa pa, MAGANDA KA BA? Kung pakiramdam mo gusto ka ng nakakarami pwes, nagkakamali ka. Para ka lang isang bato sa gilid ng kalsada na kung walang sisipa hindi mapapansin.
Ok, enough about that stone. After ng masayang kasiyahan, naisipan nilang mag-goto sa may San Pedro, isa daw ito sa dinadayo ng nakararami doon, lalong-lalo na ng mga taga ParkHomes. Masaya naman ang kumain ng goto lalo na kung malamig ang panahon at kung madami kang kasama. Saktong-sakto, isama mo na ang sama ng pakiramdam ko ng gabing yon, pero pinilit kong tanggalin dahil sa ayaw kong mai-spoil ang gabi ko.
Wala pang katapusan. Hanggang sa napaos na ko. Naging boses na ng masa ang boses ko, dinaig pa ang lalaki. Paguwi sa crib nila Ric, ayaw pa magpaawat. Walang humpay na kwentuhan na nauwi sa mga horror stuffs. Takutan. Pero hindi naman ako natakot dahil katabi ko ang hero ko at nakapulupot ako sa kanya. Hindi na siguro ako lalapitan ng mga mumu nun.
Pagkatapos nun. Uwian na.
Tulugan.
Zzzz...


pictures are to be followed...
here

0 crazy peeps: